Saturday, 11 June 2011

Panatang Makabayan (Luma at Bago)

LUMA:
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
Sa isip, sa salita at sa gawa.

BAGO:
Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masikap at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.
---wakas---

Dahil kinalakhan ko ang lumang Panatang Makabayan, di maiaalis na mas gusto ko ang lumang bersyon nito.

Isang pagbati sa ika-113 Kasarinlan ng Pilipinas.
Mabuhay ang bawat Pilipino sa buong mundo.
Mabuhay ang Pilipinas!

7 comments:

  1. hahaha di ko nga makonek ang phrase na " dahil mahal ko ang pilipinas, diringin ko ng payo ng aking mga magulang" bwahahaha

    ReplyDelete
  2. Mas maganda sana kung yung lumang pananampa ang binibigkas natin sa watawat

    ReplyDelete