Sunday, 24 June 2012

Matagal na

Matagal tagal na rin noong huling post ko dito. Maraming nangyari sa buhay, medyo naging busy kung kaya di kaagad nakapagsulat.
Last month nagbakasyon ako sa kapatid ko sa Amerika. Nagpunta ako sa Texas tapos lumipad papuntang San Francisco, nagdrive down to Los Angeles sa route 1.
Ngayon balik na uli dito sa Eindhoven.

Saturday, 25 June 2011

Happy birthday to my beloved brother Ferdie Bautista! We love you!


From the time I was born and grew up with you,

Everything that you did, I imitated you.

Remember the time when we were like a cat and a dog?

Definitely could not be together or else we would explode.

Inspite of that, as we get older,

Everlasting love and care we now share together.



As you walk in life with your dreams and passions,

Include me as one of your possessions.

During your times of trial or fall,

Especially when you can not do anything but crawl,

Never forget that we are here you can call.



Eventually life will pass.

Live it as if it is your last.

Only God can give you the best.

In His time you will get your request.

Saturday, 11 June 2011

Panatang Makabayan (Luma at Bago)

LUMA:
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
Sa isip, sa salita at sa gawa.

BAGO:
Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masikap at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.
---wakas---

Dahil kinalakhan ko ang lumang Panatang Makabayan, di maiaalis na mas gusto ko ang lumang bersyon nito.

Isang pagbati sa ika-113 Kasarinlan ng Pilipinas.
Mabuhay ang bawat Pilipino sa buong mundo.
Mabuhay ang Pilipinas!